Saturday, August 3, 2013

“Maskara"






“Maskara”
ni
MYRA MORALEDA
ABJOURNALISM 1-1

Sa likod ng MUKHA puno ng ligaya
Kalungkutan ang sa puso’y nagmumula
Sapagkat ang mundo’y puno ng saya
Sa likod ng liwanag ako’y may LAYA

Mga HALAKHAK na sa akin nagmula
Mga LUHA sa mata’y nawala
Sapagkat,puso’y puno  ng LIGAYA
Mga tao’y nagdulot sa mundo ng SAYA

Tunay na KULAY hindi lubos Makita
Sapagkat KATAUHAN ay nawawala
Isang MAKULAY at magandang MASKARA
Nagtatago kung SINO tayong talaga

Ito ang BUHAY natin may laya at saya
Tao sa PALIGID ay laging masaya
Lungkot  nagtatago sa KABILANG BANDA
Lumipas na saya sa ating mga ALA-ALA


Sunday, July 28, 2013

“ELE-HIYA”


“ELE-HIYA”
ni
Myra Moraleda
mula sa ABJOURNALISM 1-1

May nagtalumpati na liderato
Na ang kaniyang landas ay tuwid at isang katiyakan ang pagsalba mula sa kahirapan,
Mula sa mga halang,mula sa mga nang-aapi

Ipinagmalaki niya ang dalisay na bukal ng tubig
Ngunit araw-araw tatambad sa mamamayan ang gripo
Na puno ng putik-dugo sa bawat delubyo
At umaalingasaw sa ilalim ng estero
Ang mga naagnas nang pangarap.

Ipinagmamalaki ang kinang ng dilaw na liwanag
Kaalinsabay ang pagsirit ng presyo
Sa walang habas na pagtaas ng mga bilihin

Hinahatak na tila bato-balani ang tainga
Ng bawat mamamayan sa mga matatamis nitong salita
“tahakin ng walang agam-agam ang tuwid na daan”
Gayon ang lansangan ay puno ng alinlangan.

Lahat ng mga anak ng bayang ito’y pinalaki sa layaw
Layaw ng pagdarahop,layaw ng walang hanggang pang-aapi
Hangang matuyo ang lalamunan,mahungkay ang tiyan
Masaid ang laman,mawalan ng buhay,matira na ay kalansay
Sa ilalim ng mga nagtataasang gusali.

Kung gayon,ang inaapakan ba nating lupang hinirang
Ay isa na bang dambuhalang libingan?

O baka isa lamang itong masamang biro
Isang tuwid na daan na ang dulo’y isang napakalalim na bangin.