Tuesday, May 12, 2015

Ito Na Ang Huling Tula na Isusulat Ko Para Sa'yo ni Juan Miguel Severo

"Ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo. Pangako yan at totoo. Hindi ko alam kung magiging gaano kahaba o kung kasya ba sa isang piyesa, ilang pahina, ilang minuto ang ihahaba, itatagal nito at posibleng hindi ko agad makabisado pero pangako yan, ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo. Itaga mo to sa bato, abutin man ako ng umaga dito hindi ko ipipikit ang mga matang ito.. uubusin ko ang lahat ng salita na posibleng tugma ng pangalan mo o anumang tawag ko sayo, mahal, sinta, irog, pangga, babe, bbq, bae, beb, asawa ko, mhine, kulet, kapal, kupal, hayop, p**a, p***ng ina ka ano pa ba..wala akong pakialam kung abutin man ako ng ilang talata dito, pero hindi ko na pwedeng patirahin lang dito sa loob ko ang mga salitang ito kaya pangako, ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo. Magsisimula ako sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako at tinanong kung san ako nakatira. hindi mo nga pinansin ang mga agiw sa dingding, hindi ka nga natinag sa ipis na biglang dumating sa iyong pagbisita.. pero hindi mo rin man lang din tinignan ang mga libro na nasa tabi ng kama kong natutulog din, at tangi ko noong kapiling. Magsisimula ako sa umpisa, sa kung paanong niyakap mo ako nung sabihin ko sayong "mahal kita.." sa kung paanong hinalikan mo ako sa noo sabay sabi na "mahalaga ka.." at ako naman tong si tanga, tuwang tuwa na hindi pa nalinaw nga na ayaw ko na maging mahalaga, ayaw ko na maging halaga.. Hindi ako antigong salamin na matagal mo nang pag aari na tinitignan mo lang para ipaalala sa sarili mo na maganda ka, ayaw ko na maging mahalaga.. hindi ako telepono mong dudukutin lang sa bulsa kapag kelangan mo ng solusyon sa kawalan mo ng koneksyon sa mundo mong masyado ng malawak para bigyang atensyon ka pa, ayaw ko na maging mahalaga.. hindi ako kuwintas na isusuot mo lang sa piling-piling mga okasyon kapag meroong mga sitwasyon na pakiramdam mo ay kulang ka pa Hindi ako para ibalik sa loob ng isang kahon kapag matutulog ka na sa gabi sa takot na masakal ka sa yakap ko kapag mahimbing ka na, o ibalik sa loob ng isang kahon at itabi sa sulok ng isang aparador sa takot na manakaw ako ng iba, ayaw ko na maging mahalaga.. Ang gusto ko ay mahalin, ang kelangan ko ay mahalin.. kelangan ko na mahalin mo ako gaya ng kape mo sa umaga tanggap ang tamis at pait, kelangan para sa init pero hindi isinasantabi dahil lang nanlamig na.. kelangan ko na mahalin mo ako gaya ng sarili mong opisina kabisado kung para saan ang ano, kabisado kung saan nakatago ang alin kabisado ang mga tinatago kong patalim, silbi, dumi, lihim..patalim, silbi, dumi lihim... kelangan ko na mahalin mo ako gaya ng unan mo sa gabi, niyayakap sa ginaw, sinasandalan kahit na mainit, binubulungan ng mga pinakatatago mong panaginip ayaw ko na maging mahalaga, ang gusto ko ay mahalin, ang kelangan ko ay mahalin.. at nagsulat ako noon para lang mahalin mo ako, kaya patawad pero magsusulat ako hanggang sa maubos ko ang lahat ng salita na posibleng tugma ng pangalan mo patawad pero magsusulat ako para patawarin mo ako.. dahil minsan may nakapagsabi saken na ang taong hindi raw marunong magpatawad ay hindi makapagsusulat kaya mahal sa pagkakataong ito sa huling pagkakataon na magsusulat ako ng tula para sayo gumawa tayo ng kasunduan, patatawarin kita pero patatawarin mo rin ako. Patawarin mo ako sa hindi ko pagtahan at patatawarin kita sa hindi mo pagluha Patawarin mo ako sa hindi ko pananahimik at patatawarin kita sa hindi mo pagsasalita Patawarin mo ako sa hindi ko pag alis at patatawarin kita sa hindi mo pananatili Patawarin mo ako sa hindi ko sayo paglimot at patatawarin kita sa hindi mo saken pagpili mahal gumawa tayo ng kasunduan patatawarin kita pero patatawarin mo rin ako. Patawarin mo ako sa hindi ko pagbitiw at patatawarin kita sa hindi mo pagkapit Patawarin mo ako sa hindi ko paglayo at patatawarin kita sa hindi mo paglapit Patawarin mo ako sa hindi ko pagsuko at patatawarin kita sa hindi mo pagsugal Patawarin mo ako sa hindi ko pagkamuhi sayo at patatawarin kita sa hindi mo saken pagmamahal, mahal gumawa tayo ng kasunduan patatawarin kita pero patatawarin mo rin ako para sa wakas ay matapos ko na itong tula na masyado ng matagal na nakatira dito at patawad kung magiging masyadong mahaba at marami masyadong bulanas pero pangako huli na to, huli na to, huli na to... Magsisimula ako uli sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako at tinanong kung san ako nakatira. Magsisimula ako uli sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako Magsisimula ako uli sa umpisa, Magsisimula ako uli... Magsisimula ako.... Ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo, mali... Ito na ang huling tula na isinulat ko tungkol sayo Iniibig kita, at ubos na ubos na ako...." -Sobra akong humanga sa taong ito at nakaramdam ng inggit sobrang galing niya sa bawat pagbigkas ng mga salita makikita at mararamdaman mo ang emosyong nais niyang ipahiwatig, ipahiwatig ang mensahe ng sakit, pagdurusa, galit, pait, na sinapit niya sa pag ibig mula sa kanyang minahal. Maaaring masasabi kong nakakarelate ako sa bawat linya ng tula,sa bawat linyang mariin na binibitawan na sadya ring puno ng hinanakit sa isang tao. Ang galing, nakakahanga. Saludo ako sayo Juan Miguel Severo .

Tuesday, May 5, 2015

Pagbabago ni Edsiel Panase Ramiso



Iyo bang nakikita ang pangarap mo?
Hinaharap mong kay tagal ng plinano?
Pa'no kung ang lahat ng ito'y magbago?
Maatim mo bang tanggapin na lang 'to?

Maging sundalo, enhenyero, piloto
Alin man dyan ay isa sa pangarap ko
Pangarap ng bawat batang Pilipino
Ngunit ito ay biglang maglalaho

Ang mga pang-araw-araw na gastusin
Isa sa napakabigat na pasanin
Hindi alam kung saan ito kukunin
Miski ang pagkaing aking kakainin

Pagkawala ng mga mahalagang tao
Biglaang pagkamatay ng iyong lolo
Pang iiwan sa'yo ng taong mahal mo
Akin pa bang makakaya ang mga ito?

Ano man ang dumating sa buhay natin,
Marapat lamang nating itong kayanin
Sino ba tayo para sa pagbabago?
Ang pagbabago para sa bagong tayo


Saturday, May 2, 2015

One day -Edsiel Panase Ramiso

(Nagkaroon kame ng usapan ng Tropa ko na gagawa kami ng book na naglalaman ng gawa naming dalawa,someday.haha.Kaya eto yung pinaka UNANG ginawa niya..pangarap lang naman :) Wala namang imposible e. )


How will you know that your one day is here?
Don’t you think your one day means never?
Today is your mother, father or other people you’re responsible for
Your girlfriend, boyfriend, the love of your life
Tomorrow it’ll be your husband or wife.
And the day after, your children
You should do what you want right now except for stupidity
Treat everyday as your last
So all we have is … one day
The day you stan (stand) your bucket list, that day is your one day
Forget what’s all in the past.
Don’t be afraid to face the future.
Today, let’s conquer our fear
So we can say, soon, I’m much better enough.
Now, when is your one day?
Because that moment will never come again.