Tuesday, August 26, 2014

#BOOMPANAGINIP: Eto na..Ipipikit ko na!



Agosto 23,2014
"Magkahalong Takot"
Sabado. Alas dose pasado.
Gising pa din ang diwa ko ngunit nakadarama na ako ng bigat ng mata,
nagbabasa pa ako at nagtetext sa oras na ito
 " wala na,di ko na kaya matutulog na ako" sabi ko sa sarili.
Ipinikit ko na ang mga mata ko.
Nagsimula na akong maglakbay sa isang di kaaya-ayang panaginip
 bangungot pa nga kung tatawagin.
  Naglalakad ako sa labas ng aming bahay, Sa di kalayuan may mga nagtatakbuhang mga grupo ng tao papunta sila sa kinatatayuan ko at ng medyo malapit-lapit na sila natanaw ko sa likod ng kumpol na grupong nagtatakbuhan ang isang napakalaking Buhawi halos lahat ng nadaanan nito ay sirang-sira na at ang mga taong nagtatakbuhan naman ay nilamon na ng nakakatakot na buhawi habang ako naman ay nasa gilid lang at naninigas sa aking kinatatayuan sa lagay na kong ito halos mapipi ako sa gulat at nang makita ko na unti-unting lumalapit ang buhawi may isang taong humawak sa braso ko na halos kaladkarin ako palayo sa daraanan ng buhawi" ANO KA BA? GUSTO MO NA BA MAMATAY? KUNG OO AKO ANG PAPATAY SAYO!" natulala ako nang makita kong pugot ang ulo ng taong ito, kinilabutan ako ng sobra,tumayo ang mga balahibo, lumaki ang mata at nagtangkang sumigaw "Waaaaaaaaaah......aaaaaahhhhh!"  Hindi ako makasigaw pero pakiramdam andami ko nang naisigaw walang makarinig sumigaw akong muli pero para akong pipi na tila napuputulan ng hininga sa pagsigaw.Hawak-hawak niya parin ang braso ko at patuloy akong kumakalas dito sobra-sobra na akong umiiyak sa takot.Gusto kong tumakbo.tumakbo ng tumakbo pero hawak parin niya ako. Biglang gulat ko nang may inilabas siyang isang napakalaking chainsaw at sa gilid nakita ko ang ulo niya, gumagalaw ang mata na at Ipinaikot-ikot niya pa.sobra-sobrang takot na ang nararamdaman ko, sinubukan kong ulit sumigaw hanggang sa may bumulong sa tainga kong " Uy.gumising ka...ungol ka nang ungol, binabangungot ka"


Agosto 24,2014
"Bago na raw ang Langit!"
Linggo. Alas otso ng gabi
Tulala..lutang...pagod galing simbahan.
Naghilamos ako at naglinis ng katawan. Lumabas sa palikuran
"Nak,kumain ka muna bago matulog" " kumain na po ako", sabi ko ..
Pumasok ako sa kwarto.Naupo..nag-isip saglit.. Huminga.
                                                                   --    <blackout> --
  Sa Isang lugar naglalakad ako, nakasuot ng puting bistida above the knee ang tema .. Yuck! Ayoko nito, hinubad ko raw ang damit na ito at pagkahubad ko, ibang damit na ang suot-suot ko, naging itsurang Ball gown na ito.Ang galing! Kulay pula pa at kumikinang ...tuwang-tuwa akong naglalakad na may kasamang pagtalon pa, kumanta ng Happy Birthday, Di ko alam kung bakit?!. Bigla kong napansin sa paglalakad ko, may mga kumpol-kumpol na mga magagadang klase ng bulaklak. May sun flower,mga rosas na kulay asul,berde at itim.tuwang tuwa akong nagpipipitas at ng biglang nahulog ang isa kong ngipin sa unahan."Ayun may CHRYSANTHEMUM, paborito ko yan"may sumitsit.umalis ako at naglakad uli, sa di kalayuan parang nasa karagatan ata...yung Nubus illa? Yung isla sa langit.umakyat ako dun pero bago ako makaakyat dumaan muna ako sa parang gitna ng tubig na parang may yelo-yelo pa.. Hanggang sa nakarating ako sa itaas. Doon parang may isang malaking bahay tapos wala kang makikita sa paligid kung hindi mga halaman,puno at bulaklak. Ang green green ng paligid." SOBRANG GANDA" may ilog sa harapan. tapos iba-ibang klase ng hayop. Pagkatapos, may isang lalaking matipuno na kamukha ni Jacob! Yung sa Twilight ang gwapo niya kaya niyakap ko siya. at sinabi niyang "WELCOME SA BAGONG LANGIT !"

Agosto 25, 2014

" Si James Reid Nga Kasi "
Lunes.Ala una y media ng tanghali.
Sobrang init! Nakakapang init ng ulo. Nakakabaliw.
Nag cocomputer ako..
Nag facebook ...nag chat .. at natawa sa mga nababasa
..Nambully at Nag post. Nakaramdam ako ng antok ...
"Antukin talaga ako"
  "Nanananananaaaa" kumakanta ako sa loob ng bahay, kinakanta ko ang kanta ni James Reid halos nagwawala ako, sumasayaw at feel na feel ang kinakanta ko pero "Nananaana" lang ang nasasabi ko. pumasok sa kwarto ko ang lola ko at sinabing may bisita raw ako. Nagulat ako bang si James Reid! Tapos binigyan niya ako bang script ng pelikula nilang Talk back and you're Dead! At sinabi niyang isa daw ako sa mga bida.  tuwang-tuwa akong nagtatatalon. Biglang nagiba yung settings, napunta kame sa lugar ng pinagshushootingan nila nakasakay pa nga kame sa kotse ni James Reid at sa loob ng sasakyan kanta ako ng kanta ng "NANANANANA" nanaman bumaba na ako at ako na raw ang eeksena magsasalita na ako ng biglang ..." My, gumising ka,may naghahanap sayo si Jermaine" Nagising na ako. Naudlot pa. Badtrip. sandali akong natulala.."napanaginipan ko yung crush ko!! Si James Reid OhGulay !"