Friday, August 29, 2014

Kwento mo sa turtle: Kume-kinect-kinect na ko!


https://www.youtube.com/watch?v=5Fq-ObuyqpM&feature=youtu.be
ITO PO ANG VIDEO :)


     Isang paggalaw,Isang pagkilos,Isang pag indak..sayawan nga ang tema.

Papatalo ba ko dyan? Haha.OO naman.anong malay ko dyan!. 
Dancer ka bang talaga ha? o feeling mo lang? Dito kahit anong trip mo,kahit paa mo'y parehong kaliwa mo,sumayaw ka lang at gayahin mo ang pagindak-indak nito,kahit dito lang mafefeel mo dancer ka ngang talaga, basta gayahin mo ang makikita mo ikaw'y mapapaamo. 
Ewan ko nalang sa kahihiyan mo sa harap ng maraming tao.


 Alas dose pasado.
Tanghali.
Araw ng mga Hero.
Lunes.
Agosto bente 'y singko.
Nakaupo.nagmamasid,gutom na gutom. napatulala at napanganga,
sa mga pagindak nila ate at kuya bigay na bigay sila ....
Napaisip ako sa loob-loob ko nahihiya ako. kaya natatawa na lang ako, wrong timing ata kame dito.Hindi paipagkakaila sa kanila tila dancer na dancer nga. magagaling silang talaga... Nako...Nako...Nako... MAGAYA NGA!
   Eto na. tatayo na kame,Lakas ng loob ang kaagipay at nanalaytay sa dugo.kay lalakas ng loob animo'y parang ang gagaling  dala naman ay kahihiyang angkin. pero di bale, kahit gutom ako Go lang. Kailangan to.Una naming Hinataw... Ay! Sinayaw, Ewan ko kung sayaw pa ba ito, ay ang "Beauty and A Beat" ni Justin Beiber. dahil naka set sa "Hard mode" ang gagayahin ko.Ganda! Saksakan  ng hirap. mahirap at nakakalito itong gayahin lalo na ang mga step dahil may pagkakataong hindi kami nakakasabay at Hindi rin nagkakasabay ng kasama ko.Ang laking kahihiyan ang nararamdaman ko sa oras na ito.Natatawa nalang ako sa mga pinaggagagawa namin ng kasabay kong si NiƱa Jane, para kaming may sari-sariling mundo at choreographer habang nagsasayaw. iba-iba ang direksyon namin pati pag kembot sa paa sa kamay at kung saan-saan pa. Biglang lumalakas ang kanta at naramdaman naming dumarami ang nakatingin at nakikiusyoso sa sinasayaw namin..sobrang nakakahiya na, kasi habang lumalakas ang kanta. pahirap din ng pahirap ang mga step lalo namin itong hindi makuha-kuha.O diba ang saya? Natapos ang Giyera... Ay..mali sayaw pala ng may hiya sa aming mga kalooban. Haha. Pero ang saya pala sobra. ngayon ko lang ito na experience lalo na at Hindi naman ako magaling sumayaw. Pagkatapos nito ay sumubok pa kami ng ilang ulit. limampiso din ang token.sulitin nalang rin sa kabaliwan at Palaban pa kaming sumubok sa kantahan.buti nalang at handa kami daig pa namin ang may ari ng Quantum kung kumanta, with matching feelings at  action pa. uulitin ko itong lahat ng ginawa namin.dahil sobrang masaya lang at nakakawala ng pagod.kahit mamatay-matay ako sa gutom at kahihiyan.

No comments:

Post a Comment