Monday, October 19, 2015

Ang Lihim Ng Isang Takip Silim





-Myra S. Moraleda
Abjournalism 3-1

May kwento ako, kagabi lang ito.
Isang gabi,hindi ako mapakali sa sobrang saya..mga pagkakataong sa panaginip at imahinasyon lang maaaring tayo'y magkita.hinawakan mo ang mga kamay ko,dumikit sa bisig mo, marinig muli ang halakhak mo, titigan ang mga mata mo.. Nasabi ko.. Bakit ganito? Hindi dapat ganito? May kulang sa mga tingin mo at hawak sa mga kamay ko.Dama ko ang luwag sa pagkakahawak mo'ng tila nagaalinlangan ka kung sino ako.. mga mata mong hindi ko makitaan ng saya.Nasasaktan ako.Sa buong buhay ko dapat masaya ako-tayo..Hindi dapat ganito,matagal ko nang pinangarap ang pagkakataong ito, pero bakit ?Sa tagal ng pagkakatitig ko sayo habang magkasama tayo,parang unti unting nilalamon ng mundo ang nararamdaman ko. Hanggang sa dumating ang isang umagang hiniling kong sana magising na ako sa katotohanang panaginip lamang ito.Palalayain na nga kita Mahal ko, hindi ko na gagambalain pang muli ang kaluluwa mo..huling beses na ito,pangako ko.

No comments:

Post a Comment