Saturday, September 13, 2014

Sampaguita D Adventure : Aylabyu! Manong Driver!


Mabangong bulaklak ng buhay
Ito'y maputi't dalisay
Na sa puso'y patnubay
Bango nito'y walang papantay

Sampaguita, ikaw ay hiwaga
Bango mo'y nag-iiwan ng kahanga-kahanga
Isa kang Bulaklak ng aming bansa
Kung saan bango mo'y tinitingala


"Tara na Mimay! magtitinda na tayo" Si kayeene
"Ha? Ngayon na? As in newwh neh? Kala ko sa linggo pa tska mas madaming tao non" sabi ko.
"Hindi yan, nakabili na rin kasi ako",Sam
" Eh.Tatlo lang tayo?" Ako.

  Oo.Halatang AYOKO. Dahil wala ako sa wisyo magtinda.Tinatamad ako.Nakakahiya.Wala ako sa mood. para kapalan ang mukha ko.Alam kong makapal na. Tinatamad lang talaga ako. XD

Araw ng Miyerkules.
Ika-walo ng Septembre 2014.
Walang KLASE. pero May PASOK. para daw sa Attendance
" Nako.Sayang pamasahe" rinig ko sa mga nakakasabay kong lumakad napaisip din ako " Oo nga no? Uuwi nalang ako ng maaga " Nauna akong nakarating sa CAS. Naghintay doon at mya-mya ay dumating na ang mga iba kong kaklase nagaimula na  kaming mag attendance at pagkatapos non. Eto na. Nag-aya na sila Sam at Kayeene sa simbahan daw kami rarampa... Ay. Magtitinda pala. 10:00 ng Umaga kami nagsimulang lumabas ng Campus. Una kaming pumwesto sa Simbahan sa bayan. Walang misa. Wala ring tao sa loob pero may mga nagtitinda sa labas nito Cotton Candy, Kandila,puto bumbong at kung ano-ano pa. Nagpaalam kami sa kanina kung maaari kaming sumabay. Mababait sila, pumayag naman. Nagsimula na kaming lumapit sa mga kapwa estudyante rin na namin sa nag aaral sa CvSu na dumadaan. Nakakahiya.karamihan sa mga lalaki ay iniisnob lamang kami "Kuya, sampaguita po. Limang piso lang" na may kasamang paglapit. Nakakahiya, baka makilala nila kami. " Ate Sampaguita po" snob ulit. Napagdesisyunan naming lumipat ng pwesto "Tara sa paradahan tayo ng Tricycle" Pag-aya nila " Kuya, Manong Driver...Sampaguita po, limang piso lang"  pagsabi namin ng may ngiti. Sa di kalayuan may isang driver na bumili sa samapaguita ni Kayeene. Kailangan na naming galingan ng makabenta nang maubos na'to. Dahil PALABAN SI WATA, di ako nagpatalo. Aura dito.Aura doon at Ayun! Si Manong driver " Kuya bili na po kayo nang Sampaguita" "Magkano ba yan?" Tanong niya. " Limang piso po. Mabangong mabango" "O sige. Eto (nagbigay ng limampiso) sabit mo nalang sa Tricycle ko" Yesssssss! Ang saya.nakabenta ako.kumoslap ang mga mata ko sa hawak komg limang piso." Thank you po! God bless po" LIGAYA MAMEEEN! Sumunod naman na nakabenta at di rin nagpahuli ay si Sam. Yehey! Tapos na kame. 10:45 ng umaga ng makatapos kami. Saglit lang pala. Aylabyu Manong Driver! Natapos din kame.
   Madalas may mga pagkakataon na ikinahihiya natin sang trabaho ng mga magulang natin yung may pagtitinda sa kalye, yung mga basurero, tagalaba at kung ano-ano pa. Isa ako sa mga estudyante na ipinagaaral o nakakapag-aral dahil sa pagtitinda ng Ulam o Carinderia ng mga magulang ko at ang papa ko naman any magjuejueteng. Sa buhay ko minsan ko narin silang ikinahiya kase karamihan ang mga kaklase ko ang mga mahulang nila ay manager ng kumpanya ang mga trabaho.pero sobrang mali pala yun.dahil kaijlhit kailan Hindi naman nahiya sang mga magulang kong gawin yun.dahil nabubuhay kami dito sa araw-araw.kaya Hindi natin dapat ni la "Lang" ang mga marangyang hanapbuhay. Dapat sinasaluduhan natin ang mga ganoong tao at trabaho.
   Tulad nga ng pagtitinda ng sampaguita, dapat at hindi natin ito ikinahihiya dahil dapat maproud ka kase PAMBANSANG BULAKLAK ANG HAWAK-HAWAK MO.IRAMPA MO YAN!  Naranasan ko na masaya ang pagtitinda nito kase ilalagay mo ito sa poon. Sadyang may mabuting puso talaga ang tao. Sa Kabilang banda, Mahirap din ang hindi ka pinapansin sa ginagawa mo at walang bibili sayo .Kadalasan nakakapagod din yon. Narealize ko na dapat pala ay hindi ko/natin isinasawalang bahala ang mga may ganoong hanapbuhay. Tama nga si Sam nang pagsabi na noong araw kami magtinda. Nawala ang hiya ko at napalitan ng malaking ngiti at kasiyahan.Naging positive ang pananaw ko.Sabay-sabay naming itinago ang mga limang piso upang magsilbing Isang Ala-ala sa mga The Best Experience ko sa Cvsu! Salamat na din po. Ser Jeff! :) TALAGA NGA NAMANG IKA'Y KAHANGA-HANGA ! Mabuhay ka ngang Talaga ! Hahaha :)

No comments:

Post a Comment