Ano ba ang DotA?
Defense of the Ancients(DotA)
Ang Defense of the Ancients
(mas kilala sa tawag na DotA, at maaaring isalin sa Tagalog bilang Tanggulan ng
mga Sinauna) ay isang larong nagmula sa larong bidyo na Warcraft: Reign of Chaos
na nang maglaon ay naging Warcraft: Frozen Throne. Ang Mapa nito ay base sa mapang
“Aeon of strife” ng larong Starcraft.
Ang layunin sa larong ito ay sirain ang mga imprastruktura sa kampo ng kalaban.
Ang bawat manlalaro ay mayroong katumbas na “yunit” nakinokontrol. Katulad ng iba
pang mga RPG, ang bawat manlalaro ay nag-iipon ng ginto pambili ng gamit habang
pinapataas ang antas ng kanilang karakter.
Ang mapa ay ginawa na ginagamit ang “World Editor” ng Warcraft:
Reign of Chaos at nangmaglaon ay binago nang dumating ang Warcraft:Frozen Throne.
Simula nang malikha ang larong DotA, marami nang pagbabago ang naganap dito (pinakasikat
ang DotA Allstars) at nang tumagal ay tinawag nang DotA (bersyon 6.68). Iba’t ibang
tao ang nasa likod ng pag-unlad ng larong ito. Isa narito si “Icefrog” na
siyang nagmamaintain ng laro simula pa nung 2005
hanggang ngayon.
Ilang beses ng nasali ang larong ito sa mga opisyal na patimpalak
sa buong mundo. Kabilang na dito ang Blizzard Entertainment's BlizzCon, Asian World
Cyber Games, Cyberathlete Amateurat at CyberEvolution leagues. Ayon kay Gamasutra,
ang DotA na marahil ang pinakasikat na libreng laro sa buong mundo. Sa kasalukuyan
ay gumagawa ang Valve Corporation ng sequel ng DotA (DotA 2)
Ang Kalikasan ng Larong DotA
Ang DotA ay pinangungunahan
ng dalawang pangkat ng manlalaro na kapwa sumasalungat sa isa't isa: Ang Sentinel at ang Scourge. Ang mga manlalaro sa pangkat ng Sentinel ay naka-base sa Timog-kanlurang
bahagi ng mapa, samantala ang mga nasa pangkat ng Scourge ay naka-base sa Hilagang-silangang
rehiyon nito. Ang bawat kampo ay dine-depensahan ng mga tore at bugso ng mga karakter
(creeps kung ito ay tawagin) na nagsisilbing tagapagbantay ng ruta patungo sa pinamumugarang
puwesto ng isang kampo. Sa gitna ng mga kampong ito, nakatayo ang isang antigong
istruktura, ito ay isang gusali na kinakailangang sirain upang manalo ang isang
koponan sa laro. Ang bawat manlalaro ay maaaring gumamit ng isang karakter (hero), isang makapangyarihang
yunit na walang ibang kawangis sa mga abilidad. Sa DotA, ang mga manlalaro sa bawat
kampo ay pipili ng kani-kanilang karakter na gagamitin sa 112 yunit na maaari nilang
pagpilian. Ang bawat hero ay nagtataglay ng kakaibang abilidad at taktikal na
kalamangan mula sa ibang mga karakter. Ang eksena ay mariin na nakatuon sa pangkatang
oryentasyon. Mahirap para sa isang manlalaro na dalhin ang kanyang mga kasama sa
koponan at ipanalo ang laro nang nag-iisa lamang.Ang laro ay maaaring salihan
ng aabot sa sampung katao na hahatiin sa limang manlalaro bawat grupo na maaaring
pang madagdagan ng aabot hanggang sa dalawang tao upang magsilbi bilang mga tagapagmasid,
kadalasan ang feature na ito sa mga larong may lima-katao sa bawat partido.
Ang larong ito ay umiikot
sa pagpapaibayo sa bawat indibidwal na karakter, kung kaya't ito ay hindi na nangangailangan
pa ng pangangasiwa ng mga kasangkapan at pagtatayo ng mga istruktura gaya ng mga
kadalasang isinasagawang pamamaraan sa mga tradisyunal na Online Role-Playing Games.
Ang pagpatay sa mga niyutral na yunit na kinokontrol ng kompyuter ay mainam upang
makalikom ng puntos mula sa karanasan ang isang manlalaro. Sa oras na makamit ng
isang player ang kinakailangang puntos, ang manlalaro ay aakyat ng isang lebel.
Ang pag-akyat ng lebel ng isang karakter ay makakapagpaibayo sa abilidad ng hero
na kanyang ginagamit, kalakip pa ang unti-unting pagtaas ng mga ornamental nitong
salik (Strength, Agility, Intelligence, Damage, Life Points, at Mana). Bilang karagdangan
sa mga karanasang ito, pinangangasiwaan din ng isang manlalaro ang kanyang indibiwal
na yaman, gamit ang ginto bilang representasyon ng salapi. Ang tipikal na pagkuha
ng yaman mula sa pagbuo ng mga istruktura, mula Warcraft III, ay napalitan sa pamamagitan
ng sistema ng pananalapi mula sa indibidwal na engkwentro na siyang mararanasan
ng isang manlalaro habang tumatagal ang labanan. Bukod sa maliit at peryodikong
sistema ng pananalapi, ang isang karakter ay maaari ding kumita ng ginto sa pamamagitan
ng pagpatay ng mga yunit (mas pamilyar sa tawag na creeps), pagwasak sa mga istruktura
ng katunggali, at pagpatay sa mga karakter ng kalaban. Ang konotasyon na ito ang
nagsilbing hudyat upang maitutop ang istilong tinatawag na "last-hitting,"
kung saan humahanap ng isang tiyempo ang manlalaro para patayin ang isang yunit
sa pamamagitan ng isa o higit pang tira, kalakip ang kalagayan na ito ay nasa kritikal
nang estado at malapit nang makitil. Gamit ang ginto (pera), ang mga manlalaro ay
bumibili ng mga kagamitan (aytem) upang mapalakas pa ang kanilang karakter at makalikom
ng dagdag na kakayahan. Ang mga aytem na ito ay maaaaring pagsamahin upang makabuo
ng mas makapangyarihang gamit. Ang pagbili ng aytem na tumutugma sa estado ng isang
karakter ay isang mahalagang elemento sa paglalaro ng DotA. Ang paraan ng pagpili
ng aytem ay nakakaapekto sa presentasyon ng isang manlalaro kung saan ang isang
aytem ay maaaring makapagdagdag ng puntos sa isang istatistika ngunit ang ibang
ornamental na aspekto ay maaari ding maiwang hindi nababago o nabibigyan ng karagdagang
atribusyon.
Ang DotA ay maaaring
malaro sa pamamagitan ng iba't ibang modo, ito ay pinipili sa pangunguna ng host
sa mga unang segundo ng laban. Ang mode ng laro ang nagdidikta sa kahirapan ng eksena
na maaaring mahinuha sa oras na umarangkada ang laro, maging ang paraan ng pagpili
kung ito ba ay mano-mano na pipiliin ng manlalaro o ito ay pipiliin sa paraang "random".
Maraming mode ang maaaring pagsama-samahin, na magbibigay daan tungo sa mas banayad
na opsiyon.
May mabuti o masama bang epekto ang paglalaro ng DotA sa kabataan
lalo na sa kanilang pag-aaral?
Adbentahe
Sa aking paghahanap
ng mga kasagutan sa mga kabataang naglalaro nito,Ito ang mga kasagutang aking
nakalap:
Sabi ni Ian Bernardo isang magaaral ng High School,Inaamin niya
na ilang taon na siyang naglalaro ng DotA. Kung iisipin nga raw, ay may maganda
namang naitutulong ang paglalaro ng DotA sa ating pag-aaral. Nagbigay siya ng apat
na Adbentahe ng DotA. Una, kapag naglalaro ka ng DotA, kailangang saulado mo ang
buong laro. Dapat saulado ang skills ng
bawat hero, lugar kung saan makikita ang mga item, at materials para sa
recipe ng isang item. Hindi raw ito madaling gawin dahil napakarami ng hero sapagkat
(mayroong 100+ na hero at bawat isa ay may apat na skills), at sangkatutak rin na
mga items.Dapat ay sampu o higit pa ang
kailangan mong malaro para masaulo ang ins and outs ng DotA. Ngayon, paano ito makatutulong?
Nakatutulong ang DotA sa kakayahan ng isang manlalaro na magsaulo ng maraming bagay.
Kung kaya mong kabisaduhin ang bawat skill ng bawat hero at ang lahat ng items,
hindi ka rin dapat mahirapan sa pagsaulo sa mga bagay-bagay sa iyong pag-aaral.
Sa ating pag-aaral, marami tayong kailangan isaulo tulad ng mga tula, konsepto,
formulas at iba pa. Sa tuwing tayo ay
nag-aaral, sinasaulo natin ang mga naisulat natin sa ating mga kwaderno para mas
maunawaan natin. Nahahasa natin ang kakayahan nating magsaulo sa paglalaro ng DotA.
Pangalawa, kailangan mabilis tayong mag-isip sa paglalaro ng DotA. Dapat bantay
ang bawat tower at ang kalabang hero.
Kapag may nangyari, alam mo agad kung ano ang kailangan.Ang mental alertness ay
importante rin sa ating pag-aaral dahil alam natin kaagad kung ano ang dapat nating
gawin, tuwing may dumaan na guro,kapag may nakitang basura sa paligid, at sa mga
tanong na ipinapasagot sa atin.Higit pa roon, ang mental alertness na hinahasa rin ng DotA ay nakatutulong hindi lamang
sa ating pag-aaral kundi pati sa ibang mga bagay na rin. Pangatlo, nakatutulong
rin ang DotA dahil nagagamit natin rito ang ating mga natutunan sa sipnayan dahil
kumukwenta tayo para sa gold, damages, physical and magic reduction sa paglalaro ng DotA. Panghuli, ang DotA ay nagsisilbing
pang-iwas sa ibang mga bisyo tulad ng paninigarilyo at paggamit ng droga na nagbibigay
ng masasamang epekto sa ating katawan at isipan. Kung malululong sa mga bisyong
ito, tiyak na hindi natin maiisipang mag-aral. Mas mabuti na raw ang maglaro ng
DotA dahil hindi ito nakakasama sa ating katawan at marami sa kanila ang kayang
ipagsabay ang DotA pati ang pag-aaral.
May mga ilan naman
ding kabataan ang nagbigay ng kanilang mga kasagutan tungkol sa masamang epekto
nito.
Malaki ang nagiging epekto
sa buhay ng tao ang sobrang paggamit ng kompyuter. Isa na sa malaking epekto ay
ang kawalan ng Social Life o Pakikisalamuha
sa ibang tao. Sa sobrang paggamit ng kompyuter ay hindi na nakakapag bigay ng sapat
na oras sa pamilya kung kaya naman nasisira ang relasyon nila sa pamilya, kamag-anak
at sa mga kaibigan. Ang sobrang paggamit din ng kompyuter ay nagdudulot ng pagkawala
sa reality o realidad. Bumababa ang resistensya ng katawan dahil sa pagkapuyat at
nananakit ang likod sa sobrang pagyuko at pag-upo. May mga pag-aaral din na ang
paglalaro ng kompyuter games, kagaya ng dota ay nakakapagpababa din ng I.Q. ng isang
tao.
Dahil sa paglalaro into
any mga kabataanay natututong mag Trash
Talk o Pagsasalita ng di magagandang salita upang mawala sa pokus ang katunggaling
kalaban.natututo tayong magmura dahil dito at lumilikha ito ng di magagandang ingay
sa loob ng Computer Shop, marahil sa
pagsasalita nito.At kung tutuusin ay madala rin natin sa ibang lugar ang
ganoong mga salita.
Sa kanilang pag-aaral ang mga tao ay naadik sa
computer dahil ginagamit nila ito upang malibang at mawala ang kanilang pagod o
stress. Ang paglalaro din ng computer games ay ginagamit din nila upang malimutan
ang kanilang mga problema at suliranin sa buhay. Dahil sa madaling gumamit ng internet
at madaling pag-aralan ang mga laro dito, marami ang nahuhumaling sa paglalaro ng
computer games partikular na ang DOTA. Ang manlalaro ay matatawag na isang “ADIK”
kung nakakagawa siya ng mga bagay na maituturing nating malidahil sa kanilang obsesyon
sa paglalaro. Hindi nila ito maititigil ng basta basta dahil sa matinding obsesyon
na maging malakas sa larong nilalaro nila. Kapag sinubukan mong pigilan ang mga
manlalaro sa larong nilalaro nila (DOTA), sila ay madalas maging iritable at galit
dahil ayaw nilang sila’y naiistorbo.
Ang computer games At
DotA ay may negatibo at positibong epekto sa tao. Ngunit ito ay depende parin
sa nilalaman ng nilalaro at sa naglalaro, kung ito ba ay marahas o ito ay isang
laro na nagbibigay sa atin ng aral upang mas mapaganda natin ang paraan ng pamumuhay.
Ang masama dito ay kung puro kasamaan ang laro, maaaring hangaan nila ang tauhan
at ito ay gayahin sa tunay na buhay maaring nakakaepekto ito,sapagkat mas maraming
oras ng kabataan ang nailalaan sa paglalaro nito kaysa sa pag-aaral.
TY
ReplyDeletehakdog hakdog hakdigiridog
ReplyDeleteDota 2: Mga sanhi at mga posibleng epekto sa larong ito
ReplyDeletePwede po akong patulong sa mga sanhi at epekto ng dota 2 po?